5 Pebrero 2020 - 10:37
Nagsimula ang Kursong Pagbasa ng Qur’an sa Karbala

Ang ikalawang natatanging kurso sa mga istilo ng Egyptiano at Iraqiano na pagbasa ng Qur’an ay naisaayos para sa 50 na Iraqi na mga Qari sa banal na lungsod ng Karbala.

Ayon sa ABNA News Agency, ang Qur’anikong kurso ay nagsimula noong Pebrero 1 sa pamamagitan ng Telawah na Bahagi na kaakibat ng Instituto ng Qur’an ng Astan (katiwala) ng Hazrat Abbas (s.k.n.k.) sa banal na dambana.

Si Alauddin Hamoud, isang dalubhasa sa Qur’an na nangangasiwa sa kurso, ay nagsabi na ang tatlong buwang na programang pang-edukasyon ay isang pantulong sa nakaraang edisyon ng Qur’anikong kurso kung saan nagtapos ang 90 na mga mambabasa ng Qur’an ng bansa.

Kasama sa kurso ang mga aralin sa mga alituntunin ng pagbasa ng Qur’an, Sowt at Lahn, Waqf at Ibtida at pag-unlad na mga pamamaraan ng paghahanda ng isang pagbigkas.

Sayyed Al-Maa' ay ang pamagat ng kurso, na isinasagawa sa Instituto ng Qur’an ng Astan sa banal na lungsod ng Karbala.

Sina Alauddin Hamoud at Seyyed Heidar Jelokhan Al-Mousawi ang mga magtuturo ng kurso.

Ang Iraqiano at Egyptiano na mga istilo ay ang dalawang sikat na mga estilo ng pagbasa ng Qur’an sa mundo ng Muslim na may sariling espesyal na mga tampok. Ang Iraqi na istilo ng pagbasa ay kilala na may kahinhinan sa tinig ng mga Qari.

..........
340